Mga kawani ng pamahalaang lungsod ng San Juan, magbabahay-bahay para sa COVID-19 vaccine awareness

28

Umaarangkada na ang gingawang COVID-19 vaccine awareness program ng lungsod ng San Juan.

Ngayong araw, sinuyod ng mga kawani ng pamahalaang lungsod ang Barangay West Crame upang mag bahay-bahay sa pagbibigay ng tamang impormasyon kaugnay sa COVID-19 vaccine.


Nagsimula sila pasado alas-8:00 kanina umaga at matatapos mamayang alas-4:00 ng hapon.

Maliban sa education program ng pamahalang lungsod ukol sa COVID-19 vaccine, tatanggap din sila sa nais magparehistro na mga taga-barangay para pagbabakuna laban sa COVID-19.

Matatandaang una nang sinabi ni San Juan City Mayor Francisco Zamora na nais niyang mabakunahan lahat ng residente ng lungsod na pwedeng mabigyan ng bakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments