Mga kemikal na sangkap at mga gamit sa paggawa ng ipinagbabawal na gamot, sisirain ng PDEA

41

Sisirain ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang mga kemikal na sangkap at mga gamit sa paggawa ng ipinagbabawal na gamot sa Brgy. Punturin, Valenzuela City.

Sisirain sa pamamagitan ng thermal decomposition ang mga controlled precursors and essential chemicals at mga laboratory equipment.


Ang mga sisiraing kontrabando ay nagsilbing ebidensya sa mga anti-drug operations ng PDEA.

Ito ang pangalawang destruction ceremony na pinangunahan ni PDEA Director General Wilkins Villanueva.

Ang seremonya ay sasaksihan ng mga kinatawan mula sa Department of Justice (DOJ), Department of the Interior and Local Government (DILG) at lokal na pamahalaan ng Valenzuela City.

Facebook Comments