Mga kompanya ng langis magpapatupad ng P2.00 rollback sa kerosene; higit pisong bawas-presyo sa diesel, gasoline

Sasalubungin ng oil price rollback ang mga motorista bukas, March 21.

Sa abiso ng Pilipinas Shell at Seaoil, P1.85 ang matatapyas sa kada litro ng diesel; P1.20 sa gasolina at P2 sa kerosene.

Magpapatupad din ng kaparehong bawas-presyo ang Petro Gazz at Cleafuel maliban sa kerosene.


Epektibo ang oil price adjustment alas sais ng umaga bukas habang mas maaga itong ipatutupad ng Cleanfuel mamayang alas-12:01 ng hatinggabi.

Facebook Comments