MGA KONDISYON | Draft ng kasunduang magbibigay ng proteksyon sa mga OFW, tatalakayin muli ngayong araw

30

Manila, Philippines – Muling mag-uusap ngayong araw ang mga kinatawan ng Pilipinas at ilang Kuwait official para sa draft ng kasunduang magbibigay ng proteksyon sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Nauna nang nagpulong sina Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Department of Labor and Employment Secratary Silvestre Bello III kaugnay nito. Dati na ring sinabi ni Cayetano na pumayag na ang Kuwait sa ilang nilatag na kondisyon ng Pilipinas. Kabilang na rito ang pagbibigay ng minimum monthly salary, sapat na oras na pahinga, hindi pagkumpiska ng mga amo sa cellphone at passport at hindi pwedeng ibenta ang OFW sa ibang amo. www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments