Mga kongresista, malaki ang tiwala sa bagong PNP Chief

30

Tiwala ang ilang mga kongresista na palaging kakatigan ng bagong PNP Chief na si Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang hustisya.

Ayon kay Majority Leader Martin Romualdez, “best choice” umano ang pagpili at pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Eleazar bilang bagong PNP Chief.


Sinabi ni Romualdez na si Eleazar ay isang “man of action” dahil sa bilis nito sa pagresolba sa mga kaso.

Patunay din aniya sa pagiging mahusay ng opisyal ang kakayahan, dedikasyon at hindi matatawarang paglilingkod gayundin ang pagsusumikap nitong maitaas ang imahe at maibalik ang tiwala ng publiko sa hanay ng PNP.

“Our new top cop is a man of action in resolving cases with swiftness. With his proven competence, I believe he will always uphold justice. His dedication, unwavering hard work and perseverance will further restore discipline and respect to the PNP as an institution. The

President has made the best choice,” sabi ni Romualdez.



Para naman kay ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo, mayroong matatag at matibay na reputasyong pinanghahawakan si Eleazar dahil sa pagpapatupad nito ng batas na walang bias o diskriminasyon.


“General Eleazar has a strong and solid reputation as a true blue police officer who stands by and enforces the law without bias or discrimination,” ani Tulfo.

Dagdag naman ni Deputy Speaker Michael Romero, bukod sa maayos sa trabaho ay malinis ang track record at hindi kailanman nasangkot sa kontrobersyal ang bagong PNP Chief kaya naman karapat-dapat ang paghanga na ibinibigay ng PNP at ng publiko kay Eleazar.

“He has wisely avoided controversies. He has let common sense and fairness serve as his guides, earning the admiration of his fellow PNP officers and the general public,” sabi ni Romero.

Umaasa ang mga kongresista na sa pagkakataong ito ay malilinis sa ilalim ni Eleazar ang PNP at mas mapapaigting pa ang paglaban sa krimen, iligal na droga at terorismo.

Facebook Comments