Mga kongresista, nagpaabot ng pagbati kay Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz

Nagpaabot ng pagbati ang mga kongresista ng Kamara sa pagkakasungkit ni Hidilyn Diaz sa kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa 2020 Tokyo Summer Olympics.

Nakuha ni Diaz ang mailap na Olympic gold medal para sa women’s 55 kilogram weightlifting division.

Nagpapasalamat si House Speaker Lord Allan Velasco sa pagsisikap ni Diaz na makamit ang unang ginto ng bansa sa Olympics.


Aniya, bilib na bilib at nagdiriwang ang buong bansa sa tagumpay ng Pinay weightlifter.

“Our heartfelt congratulations to Filipino weightlifter Hidilyn Diaz for her historic gold medal win in the 2020 Tokyo Summer Olympics. Thank you for claiming the country’s first Olympic gold medal. You have made us all proud!” ani Velasco.

Para kay Majority Leader Martin Romualdez, maituturing na si Diaz na isang “national treasure” dahil tatatak na ang pangalan nito sa kasaysayan bilang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa Olympics.

Ipinakita umano ng atleta ang pagsisikap at determinasyon sa kabila ng pagsubok na siyang kailangang tularan nating mga Pilipino ngayong may pandemya.

“Hidilyn Diaz is now a national treasure. Her name will be immortalized as the first Filipino to win a gold medal in the Olympics,” sabi ni Romualdez.

“Hidilyn’s victory showcased the spirit of the Filipino to persevere against all odds. She displayed the grit and determination that our nation need right now to be able to succeed in the global fight against COVID-19,” dagdag pa ng Leyte solon.

Sinabi naman ni Zamboanga City Rep. Mannix Dalipe na hindi lang pride and glory sa syudad ng Zamboanga ang dinala ng kababayang si Diaz kundi tagumpay ng buong bansa.

“Enhorabuena to our constituent and now Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz for bringing pride and glory not just to the city of Zamboanga, but to the whole country,” ani Dalipe.

Facebook Comments