Mga kooperatiba, pagbabawalan nang umangkat ng bigas

Maglalabas ng kautusan ang Department of Agriculture (DA) na nagbabawal sa mga kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka na umangkat ng bigas.

Inihayag ito ni Agriculture Secretary William Dar sa pagdinig ng Committee on Agriculture and Food na pinamumunuan ni Senator Cynthia Villar.

Ayon kay Villar, nagagamit ng mga malalaking rice traders ang mga kooperatiba sa pag-import, paglusot sa pagbabayad ng taripa at pag-smuggle ng bigas.


Diin ni Villar, kawawa ang mga magsasakang kasapi ng mga kooperatiba dahil sila lang ang napapahamak habang nakakatakas ang mga rice traders na gumagamit sa kanila.

Facebook Comments