Mga koponan na pasok sa first round ng NBA playoffs, kompleto na

104

Aarangkada na ang first round ng National Basketball Association (NBA) playoffs sa Martes, Agosto 18, araw sa Pilipinas.


Unang koponan na maglalaban sa opening ng playoffs ang Denver at Utah sa Martes.

Ang top-seeded Los Angeles Lakers ay sisimulan naman ang kanilang kampanya sa Western Conference laban sa Portland Trailblazers sa Miyerkoles.

Habang haharapin ng top-seeded na Milwaukee Bucks ang Orlando Magic sa Eastern Conference.

Sa unang pagkakataon, walang mga home court advantage ang mga team dahil nasa bubble sa loob ng Disney World Campus sa Florida lang gagawin ang mga laro bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ang first-round series ay lalaruin ng mga team ng sunod-sunod na may pagitan ng isang araw.

Mayroon namang apat na games sa loob ng isang araw hanggang sa tuluyang matanggal ang isang koponan.




Facebook Comments