Mga korte sa buong bansa, suspendido na ang pasok simula bukas ng hapon

22

Manila, Philippines – Simula bukas, wala nang pasok sa hapon sa mga korte sa buong bansa.

Ito ay matapos na suspindehin ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office – bukas, Miyerkules Santo simula alas otso ng umaga hanggang alas dose lamang ng tanghali ang pasok ng mga empleyado sa hudikatura upang magunita ng mga ito ng mahaba ang Semana Santa.

Gayunman, sinabi ng SC na ang nasabing kautusan ng punong mahistrado ay maliban na lamang kung mayroong internal schedule ang mga korte.
Nation”

Facebook Comments