Mga kumpanya ng langis, magpapatupad ng oil price hike

26

Manila, Philippines – Nag-anunsiyo na ang ilang kumpanya ng langis na magtataas sila ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Epektibo kaninang alas 12 ng hating gabi, ipinatupad ng Flying V ang P0.95 dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina at kerosene habang P0.60 naman itinaas sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad rin ng kaparehong presyo ngayong alas 6 ng umaga ang Shell, Seaoil, Unioil Petroleum Philippines, Phoenix Petroleum, at PTT Philippines.

Ito na ang ika-apat na sunod na pagtataas sa presyo ng petrolyo sa bansa simula noong Oktubre 16.

Facebook Comments