
Inaasahan ang pagdating ng mga labi ni Col. Pergentino Malabed Jr. sa Kampo Krame mamaya.
Si Malabed ay kasama sa mahigit 60 mga pasahero ng American Airlines na nasawi makaraang bumangga sa isang military helicopter sa Reagan National Airport sa Washington nitong buwan ng Pebrero.
Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Randulf Tuaño, gagawaran ng arrival honors ang namayapang opisyal.
Magkakaroon din ng viewing sa Mortuary at sa darating na February 24 ang Necrological service bago ihatid sa huling hantungan si Malabed sa Laguna.
Nabatid na nasa Amerika si Malabed para sa isang opisyal na misyon bilang pinuno ng PNP Supply Management Division nang mangyari ang trahedya.
Facebook Comments