Mga LGU, inatasan ng DILG na magtatag ng isang EEC office

Inaatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga LGU na magtatag ng isang Energy Efficiency and Conservation (EEC) office sa kanilang planning and development units na pinondohan sa ilalim ng kanilang general appropriations.

Ipinag-utos ng DILG sa mga alkalde na maglabas ng executive order (EO) o memorandum para gawing pormal ang EEC protocols sa mga gusali at pasilidad ng gobyerno.

Matatandaan na hinikayat ng Department of the Interior and Local Government ang mga local government unit (LGU) na paigtingin ang pagtitipid sa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Government Energy Management Program alinsunod sa Republic Act No. 11285 o ang Energy Efficiency and Conservation o EEC Act.

Paliwanag ng DILG na ang Goverment Energy Management Program ay isang government-wide initiative na layong bawasan ang pagkonsumo ng kuryente at gasolina sa lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Sa Memorandum Circular 2025-515, inatasan ng DILG ang mga LGU na gumawa ng local EEC plan na nagbabalangkas ng specific conservation strategies, mga target na pagbawas sa gastos,at mga imbentaryo ng motor vehicles.

Facebook Comments