Mga LGUs, hinihikayat na makipag-ugnayan palagi sa mga health centers hinggil sa isyu ng dengue

Inabisuhan ng Department of Health (DOH) ang mga local government units (LGUs) na makipag-ugnayan palagi sa mga regional at local health office.

Ito’y para palakasin pa ang mga hakbang para maiwasan ang paglaganap ng dengue.

Ayon kay DOH Asec. Albert Domingo, bukod sa 4S o “search and destroy, self-protection, seek early consultation at support fogging and misting” maiging magtulungan ang LGUs at mga health centers para maiwasan ang sakit.

Bukod naman sa Quezon City, may walong lugar pa sa bansa ang posibleng magdeklara ng dengue outbreak mula sa CALABARZON, Central Luzon, at Metro Manila.

Hindi tinukoy ng DOH kung anong mga lugar ito at hahayaan ang mga LGUs na mag-anunsiyo.

Kaugnay nito, hinihikayat ang mga LGUs na na ilabas ang ulat sakaling magkaroon ng pagtaas o makapagtala ng kaso ng tinatamaan ng dengue.

Facebook Comments