Mga local police, nasa full alert status matapos ang pagkakapatay ng tropa ng gobyerno sa apat na teroristang Abu Sayyaf sa Sulu

Mas pinaalerto ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang lahat ng local police lalo na ang nasa Mindanao.

Ito ay matapos ang pagkakapatay sa apat na teroristang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa ikinasang law enforcement operation ng mga sundalo at pulis sa Jolo, Sulu.

Ayon kay PNP Chief, inaasahan nila ang pagganti ng mga bandidong grupo lalot kapatid ni Mundi Sawadjaan ang isa sa mga napatay sa engkwentro kaya kinakailangang alerto ang mga pulis.


Sa ngayon, patuloy ang pursuit operation ng pulisya laban sa ASG katuwang ang militar.

Panawagan naman ni Eleazar sa publiko na maging mas alerto at mapagmatyag at kung makita aniya ang presensya ng mga teroristang kanilang tinutugis ay agad na i-report sa pulisya.

Facebook Comments