Mga lokal na opisyal ng Marawi City, gustong tanggalin ni Pangulong Duterte

174

Manila, Philippines – Gustong sibakin lahat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local na opisyal ng Marawi City dahil sa pagatake ng mga terorista doon.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa mga local na opisyal na isinisisi ang nangyari sa lungsod.
Paliwanag ng Pangulo, walang nagsumbong sa mga local na opisyal na mayroong mga tunnels sa lungsod na ginagamit ngayon ng mga terorista para magpalipat-lipat at itago ang kanilang mga bihag.
Kaya naman dahil aniya ito ay gusto niyang i-purge o tanggalin ang lahat ng mga ito sa posisyon.
Samantala, magiging panauhing pandangal ngayong araw si Pangulong Duterte sa ceremonial opening ng bagong gawang press briefing room sa new executive building na gagawin mamayang hapon.

Facebook Comments