MGA LOLA SA BUGALLON, RUMAMPA BILANG MUSE SA LIGA

Naging mainit ang pagsisimula ng Liga ng Basketball sa Barangay Laguit Padilla, Bugallon, Pangasinan dahil sa halip na mga kabataan ang rumampa bilang muse mga lola ang bumida upang maging representante ng bawat koponan.

Walong lola ang nakasuot ng jersey na talaga namang nagpasaya sa mga manonood at kalahok sa Liga dahil game na game ang mga ito na iwagayway ang Bandera ng kanilang barangay. Iwinagayway ang watawat ng kanilang grupo suot ang kanilang jersey.

Hindi lang pagrampa ang eksena ng mga ito dahil nagpakitang gilas rin sila sa pagsu-shoot ng bola.

Ang may pakana lang naman nito ay ang mga Sangguniang kabataan ng barangay na Nagbigay ng pagpapahalaga sa mga nakakatanda sa kanilang lugar.

Pinatunayan ng mga lolang ito na age is just a number and true beauty knows no bounds! | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments