Mga lugar na makararanas ng power interruption ngayong araw, alamin!

44

Asahan na ang kawalan ng supply ng kuryente sa Liliw, Nagcarlan, Pila at Sta. Cruz, Laguna sa pagitan ng alas-11:30 hanggang alas-11:56 ng gabi ng April 12 at sa pagitan ng alas-7:01 hanggang alas-7:30 ng umaga ng April 13.

Apektado nito ang Quezon Avenue at Sta. Cruz – Liliw National Road mula P. Guevarra Street hanggang Barangay Talangan, Labangan, Lagulo, Silangan Kabubuhayan, Sta. Lucia at Calumpang sa Nagcarlan.


Kasama rin ang Barangay Mojon, Calumpang at San Isidro sa Liliw at Barangay Oogong, San Jose, Bubukal, Bagumbayan, Callos, Sto. Angel del Sur at Patimbao sa Sta. Cruz.

Gayundin ang Barangay Bagong Pook at Labuin sa Pila at Palasan Road mula Sta. Cruz – Pila National Highway hanggang Barangay San Jose, Palasan at San Juan sa Sta. Cruz.

Mawawalan rin ng kuryente ang P. Guevarra Street mula Sta. Cruz – Pila National Highway hanggang Barangay Sto. Angel Norte, Santisima Cruz, Pantalan, San Pablo Norte, San Pablo Sur, Umboy, Pagsawitan, Sta. Cruz Public Market, Green Village, Villa Silangan Subdivision at Sta. Cruz Town Proper.

Ito ay dahil sa maintenance works sa loob ng Meralco – Sta. Cruz substation.

Mayroon ring power interruption sa Norzagaray at San Jose del Monte City, Bulacan sa pagitan ng alas-5 hanggang alas-6 ng umaga.

Apektado nito ang Quirino Highway mula Newton Drive sa Barangay Minuyan, San Jose del Monte City hanggang Villarama Road; Barangay Bigte, Bitungol, Matictic, Minuyan at San Mateo sa Norzagaray.

Kasama rin ang Dr. Eduardo V. Roquero Sr. Ave. mula Kaymino Street hanggang Barangay Minuyan III, San Martin IV, San Rafael 1 hanggang 4, Sta. Cruz 1 hanggang 5 at Sapang Palay sa San Jose del Monte City.

Gayundin ang San Jose del Monte – Norzagaray Municipal Road mula Sta. Maria – San Jose del Monte Municipal Road hanggang Barangay Partida at Tigbe, Norzagaray.

Dahil ito sa repair works sa loob ng Meralco – Sapang Palay substation.

Facebook Comments

From Advertisers