Mga lugar na makararanas ng water interruption ngayong araw, alamin!

Patuloy na nakakaranas ng water interruption ang customer ng Maynilad sa Las Piñas at Muntinlupa City hanggang alas-6 mamayang gabi.

Apektado nito ang Barangay Almanza Uno, Pamplona Uno, Pamplona Dos, Pamplona Tres, Pilar, Pulanglupa Dos, Talon Uno, Talon Dos, Talon Tres, Talon Kuatro at Talon Singko sa Las Piñas City at Barangay Alabang at Ayala Alabang sa Muntinlupa City.

Maibabalik naman ang supply ng tubig oras na bumalik sa normal ang operasyon ng Putatan water treatment plant ng Maynilad.


Facebook Comments