Mga lugar na may presensya ng mga terorista, babantayan ng PNP sa vaccination roll out

40

Tutukan ng Philippine National Police (PNP) ang mga lugar na may presensya ng communist terrorist group.

Ayon kay Police Major General Alfred Corpus, Director ng PNP Directorate for Operations, hindi sila papayag na makapanabotahe ang mga local terrorist group sa paghahatid ng mga bakuna lalo na sa mga liblib na lugar.


Nakataas aniya ang kanilang alerto at nakipag-ugnayan na rin sa kanilang counterpart sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi pa ng opisyal na wala pa naman silang natatanggap na banta sa vaccination roll out.

Pero, hindi sila magpapakakampante at nakahanda sa anumang sitwasyon.

Facebook Comments