Mga lugar na naka-granular lockdown sa bansa mas bumaba pa

23

Mula 423 kahapon, bumaba pa sa 406 ang mga lugar na isinailalim sa granular lockdown sa buong bansa para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Batay ito sa datos ng PNP Command Center, ang mga lugar na naka-lockdown ay sa 270 barangay sa 49 na lungsod at munisipalidad sa buong bansa.

Nangunguna ang Cordillera sa may pinakamaraming naka-lockdown na lugar na umabot sa 133.


Habang sinundan ito ng MIMAROPA sa 98 at Ilocos Region sa 49.

Apektado ng lockdown ang 6,793 kabahayan at 29,701 indibidwal.

Tinitiyak naman ng 324 Philippine National Police (PNP) personnel, 22 Bureau of Fire Protection (BFP) personnel at 538 force multipliers ang seguridad sa mga apektado ng lockdown.



Facebook Comments