Mga lugar na naka-lockdown sa Quezon City, patuloy na nababawasan

30

Magandang balita dahil patuloy na bumababa ang bilang ng mga lugar sa Quezon City na nasailalim ng special concern lockdown.

Sa ngayon, nasa 20 nalang ang lugar sa lungsod na naka-lockdown na dati ay nasa higit 50.


Ayon sa Quezon City government, malaki ang naitulong na ginawang pagpapalit-palit ng quarantine status kaya’t napabagal ang pagkalat ng virus.

Tuloy-tuloy rin ang pagbabakuna na isa sa mga mabisang gawin para mapababa naman naitatalang namamatay dahil sa COVID-19.

Samantala, tiniyak naman na may ayuda at isasailalim sa swab test ang mga residente na apektado ng special concern lockdown.

Facebook Comments