Mga Lumad, dapat iwan na ang mga NPA at bumalik sa kanilang mga lupain – Pangulong Duterte

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Lumad na iwanan at umaklas sa New People’s Army (NPA) at bumalik sa kanilang mga lupain.

Ito ang pahayag ng Pangulo matapos mapatay sa engkwentro sa pagitan ng NPA at militar ang anak ni Bayan Muna Representative Eufemia Cullamat na si Jevilyn sa Surigao del Sur.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na niloloko lamang ng NPA ang mga Lumad.


Hindi rin nakaligtas sa banat ng Pangulo ang napaslang na anak ng mambabatas.

Nanindigan din si Pangulong Duterte na imporsibleng mangyari ang utopia sa bansa.

Si Jevilyn Cullamat ay nagsisilbing medic ng NPA at kabilang sa Sandatahang Yuniy Pampropaganda Platoon ng Guerilla Front 19, Northeastern Regional Committee.

Facebook Comments