Mga lumikas na pamilya sa Marawi City na lumipat sa Davao, umabot na sa 100

16

Davao – Umabot na sa mahigit isang-daang pamilya mula Marawi City ang nakatira ngayon sa Davao City pagkatapos lumikas dahil sa gulo sa Marawi City.

Ayon kay Davao City Social Services and Development Office (CSSDO) head Maria Luisa Bermudo, ang mga evacuees ay nananatili sa kanilang mga kamag-anak at ang iba naman ay nagri-renta ng bahay dito ngayon sa Davao City.

Dagdag ni Bermudo, ang mga evacuees ay nakatira sa 11 barangays sa siyudad.

Binigyan din ng food assistance ng CSSDO ang nasabing mga pamilya at patuloy ang ginagawa nilang monitoring sa mga evacuees mula Marawi City.

Facebook Comments