Hawak ang kani-kanilang bandera, suot ang mga unipormeng isinisigaw ang kanilang bayan, makulay na pinangunahan ng mga young gymnast ang pagbubukas ng Gymnastics Competition para sa Region 1 Athletic Association Meet 2025 na naganap kahapon dito sa Dagupan City.
Nagpasiklaban ang mga atletang mag-aaral Sa Lyceum-Northwestern University Gym sa barangay Tapuac naganap ang opening ceremony para sa gymnastic segments ng R1AA Meet 2025 na siya ring hudyat ng isang linggong kumpetisyon kasabay ng ilan pang opening ceremony sa Bacnotan, La Union.
Kitang kita sa mga student gymnast na kabilang sa mga kumpetisyon na ito ang kanilang kahandaan para maiuwi ang medalya, bagay na hindi maikakaila dahil sa magiliw nilang pakikiisa sa naganap na opening event dahil ang R1AA ay isa sa mga natatanging daan upang maipakita nila ang kanilang talento at galing sa larangang ito.
Dalawang gymnasium sa siyudad ang magiging venue ng Gymnast Competition: Ang Aero Gymnastics and Artistic Floor Exercises ay ginaganap sa Lyceum Gym at ang Rhythmic and Artistic Gymnastics naman ay sa Dagupan City People’s Astrodome.
Kapana panabik ang pag-asaam ng mga atletang ito an mairepresenta ang rehiyon sa Palarong Pambansa at maiuwi ang karangalan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨