Magtatapos ngayong araw ang 34th Private Schools Athletic Association 2025 Regional Meet o PRISAA Region 1 na ginanap sa Narciso Ramos Sports and Civic Center, Lingayen, Pangasinan.
Ang mga delegado ay mag-aaral mula sa Pangasinan I, Metro San Carlos, Metro Dagupan, Laoag City, Ilocos Sur, at La Union.
Tatlong araw na tagisan ng husay at galing sa iba’t-ibang larangan ang ipinakita ng mga student-athlete.
Ilan lamang sa mga ito ay pagkanta, pagsayaw, athletics, chess, ball games at taekwondo.
Sa kantahan, nagpamalas ng galing si Micki Cayabyab sa Vocal Solo at Shamel Ezekiel Salayog at Vergel Amansec sa vocal duet category na mag-aaral mula sa Dagupan City na pawang nag-uwi ng hinting Medalya.
Matapos ang patimpalak, puspusan ang isasagawang ensayo ng mga ito na Silang sasabak sa National Games na gaganapin sa Tuguegarao City ngayong taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨