Sumabak sa public awareness campaign ang dalawang daang mag-aaral, community leaders maging mga magulang at guro sa Brgy. Maliclico, Sudipen La Union.
Layunin ng kampanya na mapa-angat ang inisyatibo ng mga residente sa pangangalaga sa mga kabundukan na isang maituturing na yaman ng probinsya.
Kabilang sa mga tinalakay ang kaalaman ukol sa solid waste management, biodiversity conservation at water and forest resources management upang mapangalagaan ang kalikasan.
Hinihikayat ng Provincial Environmental and Natural Resources ang publiko sa maagap na pagkilos sa kanilang responsibilidad sa kalikasan sa lahat ng pagkakataon at hindi lamang tuwing ipinagdiriwang ang International Mountain Day. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments