Mga magbabababoy sa Rodriguez, Rizal, pinulong ng lokal na pamahalaan

25

Pinulong ng lokal na pamahalaan ang grupo ng Hog Raisers sa Rodriguez, Rizal.

Ito’y kasunod ng mga pangamba ng kaso ng African Swine Fever sa bayan.


Ipinatawag ni Mayor Tom Hernandez ang mga nag-aalaga ng baboy upang ipaliwanag ang sitwasyon.

Kasama sa pulong sina Dr. Gloria G. Salazar ng Department of Agriculture Region 4A, Dr. Oscar Jhon Caborayan ng Bureau of Animal Industry (BAI) at si Municipal Head of Da Anson Go.

Nilinaw ng lokal na pamahalaan na walang kumpirmadong kaso ng ASF sa Rodriguez.

Ang mga alaga nilang baboy ay kinuhanan muna ng sample upang masuri at matiyak ding ligtas sa ASF.

Kabilang sa mga sinuri ay mga alagang baboy sa Barangay San Isidro, San Jose at Macabud at ang nasasakupan ng 1-Kilometer hanggang 7-Kilometer Radius mula sa mga sinuring babuyan.

Isinailalim sa Quarantine ang tatlong Barangay.

Tiniyak ng lokal na pamahalaan na walang dapat ipangamba ang mga residente dahil walang kumpirmadong kaso ng ASF sa Bayan.

Tiniyak din ng LGU sa mga residente na ligtas bumili at kumain ng karneng baboy.

Facebook Comments

From Advertisers