MGA MAGLALAKO SA NASUNOG NA BASISTA PUBLIC MARKET, PATULOY SA PAGBEBENTA SA RELOCATION SITE

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Basista ang posibleng pagbabalik pwesto ng mga vegetable vendors sa nasunog na pamilihan sakaling maisaayos at malinisan upang ligtas na muling magamit ng publiko.

Sa ginanap na pagpupulong, tinalakay ang sitwasyon sa bentahan ng iba’t-ibang produkto mula sa Vegetable, Fish at Meat Section.

Nagbahagi rin ang tanggapan ng ilang estratehiya sa pagbebenta ang mga maglalako upang matulungan sa kanilang kabuhayan at patuloy na makapagbenta sa relocation site.

Ipinaalala naman ng lokal na pamahalaan na patuloy pa ang pakikipagpulong sa ibang seksyon ng pamilihan.

Matatandaan na tinupok ng apoy ang nasa 75% na bahagi ng pamilihan noong May 9. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments