Mga magsasagawa ng rally sa Iran, bibitayin!

Sisimulan na ng gobyerno ng Iran ang pagbibitay sa mga magsasagawa at masasangkot sa mga rally at iba pang aktibidad.

Ito ay kasunod ng malakihang kilos-protesta na ikinasawi ng isang babae na hinuli ng mga awtoridad dahil umano sa hindi pagsusuot ng hijab.

Ayon sa Iranian Government, nasa sampung raliyista na ang kasalukuyang nililitis matapos umanong magkasala sa Diyos.


Nabatid na aabot na sa halos 500 ang nasawi sa iba’t ibang kilos-protesta sa nasabing bansa, habang nasa 18,240 naman ang naaresto.

Facebook Comments