Mga magsasaka at mangingisda, dapat kasama sa mga prayoridad na mabigyan ng COVID-19 vaccine

62

Iginiit ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na maisama ang mga magsasaka at mangingisda sa prayoridad na mabigyan ng bakuna laban sa COVID-19.

Diin ni Pangilinan, frontliners din ang mga magsasaka at mangingisda dahil sila ang pangunahing pinanggagalingan ng ating mga pagkain may pandemya man o wala.


Paliwanag pa ni Pangilinan, biktima ng pandemya ang kanilang kabuhayan at pinalala pa ng mga nagdaang bagyo at baha.

Sinabi ni Pangilinan na bukod dito, karamihan sa mga magsasaka at mangingisda ay kabilang sa pinakamahihirap na sektor ng lipunan at sila rin ang pinaka-apektado tuwing may mga kalamidad.

Ayon kay Pangilinan, hindi nila kakayaning makabili ng vaccines kung walang suporta ng pamahalaan at karamihan din sa kanila ay walang ID, at walang access sa mga ospital.

Facebook Comments