Mga magsisilbing Opisyales ng BARMM nanumpa sa Quran

22

Makakaasa ang Bangsamoro na mapagsisilbihan ng maayos ng mga bagong talagang opisyales ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ito ang iginiit ni Minister of Local Government Atty. Naguib Sinarimbo sa naging panayam ng DXMY.
Sinasabing pangunahing requirement na naging direktiba ni Interim Chief Minister Alhaj Murad Ebrahim sa lahat ng mga manunukulan sa BARMM lalo na sa mga myembro ng Moro Islamic Liberation Front ay manumpa hindi lamang sa batas kundi sa Quran.
Ito ang naging tugon ni Atty. Sinarimbo kasabay ng katanungang handa bang sumailalim sa LifeStyle Check ang mga- uupong opisyales dahil na rin sa mga agam-agam at pangamba ng iilang kumukwestyon sa kredibildad ng mga ito.
Matatandaang tinatayang nasa 70 Billion ang Block Grant annually ang pundo sa BARMM.

Facebook Comments