Mga magulang at stakeholders, maganda ang ipinakitang response sa Brigada Eskwela

Cagayan De Oro, Philippines – Maganda ang naging response ng mga magulang at stake holders sa isinagawang Brigada Eskwela 2017 sa mga pampublikong paaralan na sinimulan noong Lunes.

Ito ang sinabi ni Sir Rosalio Vitorillo, ang city schools governance and operation division at media spokesperson ng Department of Education region ten.

Dagdag pa ni Vitorillo na sa Cagayan De Oro lamang, meron nang apatnapung paaralan sa high school at pitumpong paaralan ng elementarya.


Nalamang bumisita si Education Undersecretary Jesus Lorenzo Mateo sa unang araw ng Brigada Eskwela upang obserbahan ang nasabing programa ng Department of Education.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinagawang Brigada Eskwela.
DZXL558

Facebook Comments