
Pinalalakas ng pamahalaang lungsod ng Dagupan at ng Department of Education (DepEd) ang partisipasyon ng mga magulang sa paghubog ng kakayahan sa pagbasa ng kanilang mga anak.
Hinikayat ang bawat miyembro ng pamilya na makibahagi sa reading practice program para sa malawakang kampanya na mapataas ang literacy rate sa lungsod.
Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalagang papel ang ginagampanan ng mga magulang, lalo na ng mga ina, sa maagang paglinang ng kakayahan sa pagbasa at pag-unawa ng mga bata.
Isinagawa muli ngayong Lunes ang reading practice program kung saan nakibahagi ang mga batang dumaan sa ARAL Program. Ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang pag-unlad sa pagbasa at pag-unawa gamit ang mga aklat na ipinagkaloob sa tulong ng DepEd.
Katuwang sa programa ang DepEd Schools Division Office of Dagupan City, Committee on Women and Children Chairperson at Councilor Tala Paras at ang Teen Center. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








