Mga magulang, maagang magsisindi ng kandila upang ipagdasal ang kaluluwa ng mga namayapa nilang anak na nasawi sa pagsapi sa NPA

53

Bago pa man ang undas, magsasagawa rin ng sariling pag-alaala sa mga namayapa ang mga grupo ng mga magulang na ang mga anak ay na-recuit ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Pep Goitia ng League of Parents of the Philippines, magsasagawa sila ng simbolikong pagsisindi ng kandila at panalangin para sa mga kaluluwa ng mga indibidwal na naging biktima ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDF).


Mamayang alas-5:00 ng hapon ay magtutungo ang LPP at Liga Independencia Pilipinas sa Mendiola bridge para mag-alay ng panalangin sa mga magsasakang nasawi sa tinaguriang Mendiola Massacre.

Pagkatapos nito ay isusunod naman nila ang Plaza Miranda at Morayta.

Magsisindi ng kandila ang mga magulang para sa katiwasayan ng mga nasawing kabataang estudyante na nasawi sa pagsapi sa NPA.

Facebook Comments