Mga magulang ng mga naglalarong bata sa labas ng bahay, pinagmumulta ng Valenzuela City government

77

Inisyuhan ng ticket ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang mga magulang ng mga batang naglalaro sa labas ng bahay sa Barangay Maysan at Barangay Karuhatan ng nasabing lungsod.

Agad na tinugunan ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang reklamo ng dalawang concerned citizen kung saan ini-report na parang normal na ang sitwasyon sa kanilang lugar dahil sa dami ng mga batang naglalaro sa labas kahit bawal pa ito dahil sa mahigpit pa rin na community restrictions.


Agad na pinapuntahan ni Gatchalian sa Task Force Disiplina ang mga lugar at tinekitan ang mga magulang ng mga batang naaktuhan sa labas.

₱1,000 ang multa sa mga ito dahil sa paglabag sa Ordinance 396 o Code of Parental Responsibility.

Facebook Comments