Mga magulang ni Reynaldo de Guzman, nasa ilalim na ng Witness Protection Program ng DOJ

20

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na nasa kustodiya na ng Witness Protection Program ng DOJ ang mga magulang ni Reynaldo “Kulot” de Guzman.

Ito ay matapos na personal na dumulog kanina sa DOJ sina Eduardo Gabriel at Lina de Guzman-Dimaganti para maisailalim sila sa WPP.

Ang hakbang ng mga magulang ni Reynaldo ay kasunod ng pagsasampa nila kahapon ng mga magulang ni Carl Angelo Arnaiz ng kasong double murder laban kina PO1 Jeffrey Perez, PO1 Ricky Arquilita at taxi driver na si Tomas Bagcal.

Ang tatlo ay kinasuhan din ng paglabag sa anti-torture law at planting of evidence partikular ng iligal na droga at baril.

Una na ring isinailalim sa Witness Protection Program ang mga magulang ni Carl at Kian Loyd delos Santos.

Facebook Comments