Mga magulang sa Valenzuela City, hinimok na i-enroll na sa daycare center ang mga anak

59

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang mga magulang na i-enroll ang mga maliliit na anak sa Child Development Center.

Nagsimula na kahapon ang enrollment sa mga daycare center na tatagal naman hanggang November 12.

Layunin dito na maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga bata kahit nasa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic.


Maaari namang isumite ang mga requirements sa teacher-in-charge sa mga day care center ng barangay.

Bukod sa Birth Certificate o Baptismal Certificate ng bata, kabilang sa requirements ang enrollment form at Family Composition form na maaaring i-download sa website ng Valenzuela.

Gagamit ng distance learning method ang lungsod para sa mga mag-aaral sa nursery at kindergarten.



Facebook Comments