MGA MAHIHIRAP NA RESIDENTE NG VILLASIS, PATULOY NA NAKIKINABANG SA RICE SUBSIDY PROGRAM

Mura at de-kalidad na bigas ang hatid ngayon ng lokal na pamahalaan ng Villasis sa mga mahihirap na residente sa pamamagitan ng isang rice subsidy program na nagbabawas ng presyo ng well-milled rice sa P30 kada kilo, malayo sa kasalukuyang P48 kada kilo sa merkado.

Ayon kay Municipal Agriculture Officer Dionisio Cariño, bagamat umaabot sa P42 kada kilo ang gastos sa produksyon ng lokal na palay, binabalikat ng LGU ang P12 kada kilo upang gawing abot-kaya ang bigas para sa mga pamilyang may mababang kita.

Mula nang ilunsad ang programa noong Enero, mahigit 11,000 kabahayan na ang nakabili ng tig-10 kilo ng bigas bawat isa.

Naglaan ang LGU ng P7.2 milyon upang bilhin ang 314,000 kilong palay na inani noong Oktubre ng nakaraang taon. Hindi lamang palay ang saklaw ng subsidiya maging ang ibang pananim tulad ng talong, tabako, at mais.

Samantala, Bilang suporta naman sa mga magsasaka, naglaan ang LGU ng P5 milyon para sa patuloy na pagbili ng fertilizer.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments