Mga makakalaban ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup, puspusan na ang paghahanda

Patuloy ang preparasyon ng mga makakalaban ng Gilas Pilipinas sa darating na FIBA World Cup kung saan makakaharap nito sa Group D ang mga bansang Angola, Italy at Serbia.

Nagharap ang koponan ng Serbia at Italy sa Pocket Tournament ang Greece kung saan tinambakan nito ang Italy sa score na 96-64.

Nananatiling wala pang talo ang Serbia sa anim na naging tune up games nito habang ang Italy naman ay 4-3 ang record matapos talunin ang greece, Serbia at Russia.


Samantala sa Tournament naman sa China sumabak ang Angola pero isa lang ang kanilang panalo matapos talunin ng China at Puerto Rico.

Maglalaro ang Pilipinas sa August 31 kung saan unang makakaharap nito ang Italy.

Facebook Comments