Mga malalaking bato, humambalang sa national road sa Bato, Catanduanes

152

Muling naharangan ng malalaking tipak ng bato ang cicumferential road sa Catanduanes Island province bunga ng rockslides.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) region 5, inaabuhan ang mga motorista na hindi sila makakalusot sa Circumferential Road K0003+000 sa Barangay Marinawa sa bayan ng Bato.


Ang nasabing kalsada ang nag-uugnay sa Virac City at sa mga bayan ng Baras, Gigmoto, Viga at San Miguel.

Hinihintay lamang ng Catanduanes District Engineering Office na bumuti ang panahon para agad na i-mobilize ang kanilang equipment para sa clearing operations.

Facebook Comments