Mga mamahaling gamit ni Heart Evangelista, io-auction para sa mga sinalanta ng Bagyong Ulysses

39

Magsasagawa ng auction ang aktres na si Heart Evangelista ng kanyang mga mamahaling gamit.

Sa kanyang Twitter at Instagram, inanunsyo ni Heart na io-auction nito ang kanyang mga paboritong designer pieces sa kanyang @shopmaisonlovemarie IG account.


Aniya, lahat ng kikitain ay kanyang ido-donate sa mga biktima ng Bagyong Ulysses.

Matatandaang nagsisimula pa lamang ang pandemya, aktibo nang tumutulong si Heart sa mga nangangailangan.

Kasama rito ang “Big Heart PH” nitong Hulyo kung saan namigay ito ng tablet sa mga estudyante para sa kanilang online class.

Facebook Comments