Mga mambabatas, hinamong maglabas din ng SALN

38

Hinamon ni Act Teachers Party-list Rep. France Castro ang mga kapwa niya mambabatas sa Kamara na ilantad din ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Ito ay alinsunod sa itinatakda sa Republic Act 6713 o An Act Establishing A Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees,


Ayon kay Castro, dapat ang mga nasa public service ay may transparency at accountability para mailantad na wala itong tinatago.

Una nang naglabas ng kanilang SALN ang limang Makabayan Bloc members kabilang sina Casto, Bayan Muna Reps. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite, and Eufemia Cullamat, at Kabataan Rep. Sarah Elago sa harap ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang buong gobyerno sa katiwalian.

Giit ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, kung may sinseridad ang Pangulo na imbestigahan ang korapsyon sa gobyerno at hindi divertionary tactics lamang ay maging modelo ito at pangunahan ang pagpapalabas ng SALN at sundan din ng iba pang opisyal ng gobyerno.

Kinastigo naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang paglilimita ng Office of the Ombudsman sa pag-access sa SALN.




Aniya, si Ombudsman Samuel Martires ang siyang dapat na lumalaban sa korapsyon sa gobyerno bilang syang pangunahing obligasyon ng kanyang tanggapan kaya nakapagtatakang tutol ito sa pagpapalabas ng SALN.

Facebook Comments