Mga manlalaro ng Philadelphia 76ers, isinailalim sa quarantine matapos magpositibo sa COVID-19 si Seth Curry

Isinailalim na sa quarantine ang mga manlalaro ng Philadelphia 76ers sa New York matapos magpositibo sa COVID-19 si Point Guard-Shooting Guard Seth Curry.

Matatandaang naglaro pa noong Thursday si Curry dahilan para lumamang ang kanilang koponan kontra Washington Wizard sa iskor na 141-136 pero kahapon ay hindi na ito naglaro dahil sa pananakit ng kanyang bukong-bukong.

Sa ngayon, magsasagawa ng contact tracing ang mga health workers matapos lumabas ang resulta sa gitna mismo ng kanilang pakikipagtuos sa Brooklyn Nets kahapon.


Facebook Comments