Mga manok at bangus, namamatay na dahil sa matinding init ng panahon

Tone-toneladang bangus sa Dagupan, Pangasinan ang namatay dahil sa matinding init kahapon.

Nabatid na pumalo sa 52 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan City dakong alas-2:00 ng hapon kahapon, pinakamataas na temperaturang naitala sa bansa ngayong taon.

Bukod sa bangus, maraming manok din sa Vintar, Ilocos Norte ang namatay dahil sa tindi ng init.


Ayon sa Provincial Veterinary Office, posibleng na-dehydrate ang mga manok kaya sila namatay.

Facebook Comments