Mga mapagsamantalang COVID-19 test providers, tiyak na maparurusahan

57
COURTESY: Senate of the Philippines

Binalaan ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang mga ospital, testing laboratories at iba pang healthcare providers na magsasamantala sa presyo ng COVID-19 tests at test kits.

Giit ni Go sa mga ito, mahigpit na sumunod sa presyo ng COVID-19 tests at test kits na itatakda ng Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI).


Banta ni Go, may kaparusahang naghihintay sa mga hindi susunod at sa mga gagawing negosyo ang kalusugan ng bawat Pilipino lalo’t hindi ngayon ang panahon ng pananamantala sa ating mga kababayan lalo na ang mga naghihirap dahil sa pandemya.

Sabi ni Go, pinaplantsa na ng DOH at DTI ang mga kaparusahang ipapataw tulad ng multa at pagkakakulong para sa mapansamantalang indibidwal, manufacturers, importers, traders, distributors, wholesalers, retailers, healthcare providers at licensed COVID-19 testing laboratories.

Facebook Comments