Mga Marcos-type building sa mga paaralan, nais i-rehabilitate ni PBBM

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makumpuni ang mga lumang gusali ng mga paaralan para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Ito ang obserbasyon ng Pangulo matapos mag-inspeksyon sa dalawang paaralan sa Bulacan kahapon.

Ayon kay Pangulong Marcos, karamihan sa mga gusali ay Marcos-type school building pa na nasa 20 hanggang 30 taon lamang ang buhay.

Bagama’t na maganda aniyang nagagamit pa ang mga gusali, ay mas mainam kung irehabilitate na ito para matiyak na laging ligtas ang mga mag-aaral.

Sa kabila nito, kuntento naman ang Pangulo sa ginagawang paghahanda ng mga paaralan para sa darating na pasukan.

Tiniyak din ng Pangulo na palaging nakaalalay ang pamahalaan sa mga kakailanganin ng mga mag-aaral.

Facebook Comments