Mga matataas na opisyales ng DOTr, pinagsusumite ni Sec. Vince Dizon ng courtesy resignation

Pinagsusumite na ni Transportation Secretary Vince Dizon ng courtesy resignation ang lahat ng matataas na opisyal ng Department of Transportation (DOTr).

Sa direktibang pirmado ni Secretary Dizon, lahat ng incumbent undersecretaries, assistant secretaries, at directors ng ahensya ay inaatasan na magsumite na ng kanilang unqualified courtesy resignation nang hindi lalampas bukas, February 26, 2025

Ang direktibang ito aniya ay para mabigyan ang kalihim ng pagkakataon na magpatupad ng kanyang mandato.

Ang lahat ng nabanggit na mga opisyal ay magpapatuloy sa kanilang mga tungkulin hanggang sa mabigyan ng aksyon ang kanilang mga pagbibitiw sa pwesto.

Si Secretary Dizon ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos ang pagbibitiw ni Secretary Jaime Bautista dahil sa health reason noong February 21.

Facebook Comments