Mga media workers, hinimok na magpabakuna na rin agad

51

Nanawagan si ACT-CIS Partylist Rep. Niña Taduran sa lahat ng myembro ng media industry na magparehistro na para sa pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine.

Ang media workers ay kasama sa mga essential workers ng A4 category list na kamakailan lamang ay sinimulan nang mabakunahan.


Kasabay nito ang pagpapayo rin sa mga media practitioners na huwag nang mamili ng brand ng bakuna.

Aniya, pinag-aralan naman nang husto ang mga bakuna bago ito ibigay sa mamamayan kaya’t anumang available na vaccine ay maituturing na pinakamainam na proteksyon laban sa virus.

Iginiit pa ng kongresista na mahalaga na magpabakuna agad ang mga taga-media dahil lantad ang mga ito sa panganib ng sakit bunsod na rin ng nature ng kanilang trabaho.

Hindi naman aniya tumigil ang pagbabalita at nakakabahala na dahil sa uri ng trabaho ay marami na ring media workers ang nagkasakit ng COVID-19.



Facebook Comments