Mga menor de edad, prayoridad na mabakunahan ngayong araw ng Philippine Medical Association

Inihayag ngayon ng Quezon City government na sa ikalawang araw ng Part 2 Bayanihan, Bakunahan sa Quezon City, prayoridad na mabakunahan ng Philippine Medical Association (PMA) ang mga kabataan, may comorbidity man o wala.

Sa abiso ng Quezon City Local Government Unit (LGU), limitado lang sa first dose ang ituturok sa mga menor de edad gamit ang Moderna vaccine.

Paliwanag ng LGU, hanggang bukas ay magbibigay ng first dose vaccine ang PMA bago lumipat ng ibang venue kinabukasan sa Rosa Susano Elementary School sa Novaliches.


Samantala, 186,514 na ang bilang ng mga kabataan sa lungsod ang naturukan ng first dose vaccine.

Facebook Comments