Mga militanteng grupo, nagkilos-protesta sa harap ng Department of Agriculture kaugnay ng mataas na presyo ng pagkain

46

Nagsagawa ng kilos protesta ang mga militanteng grupo sa harap ng Department of Agriculture (DA).

Ipinoprotesta nila ang nagmamahalang presyo ng pagkain partikular ang karneng baboy at gulay.


Kabilang sa mga lumahok ay mga miyembro ng Amihan.

Iginigiit ng grupo na magkaloob ang gobyerno ng P10,000 na financial assistance at P15,000 na production assistance sa hanay ng mga agriculture workers upang makaagapay sa epekto ng pandemya sa kanilang kabuhayan.

Ayon pa sa grupo, dapat ay mapakinabangan ng mga katulad nilang maliliit na magbubukid ang mga ipinamimigay na mga pautang at iba pang subsidiya ng gobyerno.

Facebook Comments